MAXINEJIJI

About the author

Also known as Maxine Lat Calibuso in real life, was born on March 18, 1987. She started posting her works on Wattpad in June 15, 2012. She is an active member of Iglesia Ni Cristo. CEO of MAXINEJIJI Beauty, a Filipino brand founded August 2020. She graduated with a Bachelor’s Degree in Nurse and is currently working as a head nurse. She loves spending time in nature and appreciates different kinds of plants and animals. She loves reading and watching Korean dramas, and action films. She has two dogs named Martha Lat (mixed breed of Aspin and Japanese spitz) and Maxie Reneé Lat (mixed breed of Maltese and Shih Tzu). Her dream is to travel around the world and own a lot of dogs. 

maxinejiji, 2020

What does MAXINEJIJI do?

Nurse

Author

Content Creator

Founder & CEO, MAXINEJIJI Beauty

PRE-ORDER LOVE WITHOUT LIMITS NOW!

PRE-ORDER LOVE WITHOUT LIMITS NOW!

BOOK PRICE: 1800php
• 2 books (Part 1 and Part 2 of LWL, continuous manuscript)
• With additional 40K-word special chapters
• And 4 illustrations (2 illustrations for each book)

Inclusion:
2 bookmarks + 2 signed postcards + 1 book box
NOTE: SHIPPING FEE NOT INCLUDED
Pre-order Period – January 10 to March 15, 2022 (No batch 2)

Click on the picture to order or go to MAXINEJIJI Books on Facebook.

MIKANA x MAXINEJIJI

©️ MikanaJP x Maxinejiji

The New #MikanaxMaxinejiji Collection is here for you to collect all 5 designs. Each necklace is designed by yours truly! Inspired from 5 books I’ve written which makes each one a special token of my work and the characters that I’m proud to say, you love and support a lot! To those who ordered with Mikana during 11.11 Sale, I’m super grateful, you’re always there to support me every step of the way! Thanks for always being there!

LINK HERE:

✨He’s Into Her – https://shp.ee/39wwprj

✨Love Without Boundaries – https://bit.ly/3ww5VBV

✨Moon – https://bit.ly/3H5I3tD

✨Mine You Will Be – https://bit.ly/307SL1V 

✨Poser – https://shp.ee/znx5h9j

HE’S INTO HER ON NETFLIX

©️ ABS-SCBN Entertainment, Star Cinema, iWantTFC

I still can’t believe it! We’re now streaming on Netflix! It’s a dream come true for me. Lalo na ngayong mas marami pang nakaka-appreciate sa series. Hindi ko mapigilang maging proud kasi ang daming pinagdaanan ng He’s Into Her, mula sa novel hanggang sa series. Nandiyan `yung gusto ko nang ihinto `yung pagsusulat dahil lang ayaw kong makipag-usap sa readers. Wala akong lakas ng loob before na makipag-communicate sa hindi ko kilala in person kahit pa sinusuportahan nila ang arts ko. Minsan ko na ring binura lahat ng naisulat ko kasi feeling ko hindi ko kaya maging writer. Ang hirap niya. Ang hirap na ngang mag-isip ng isusulat, mas mahirap pang isulat `yung naisip mong isulat. Lol. Everything is hard, lalo na noong nagsisimula. Kung `yung iba, iniisip kung paano pasisikatin stories nila, noong nagsisimula akong magsulat, problema ko kung paano ako matututong magsulat nang hindi nahihirapan. I want to write everything as natural as possible. I want my words to be effective. I want to affect people with my characters’ emotions, protagonists or antagonists man. I want my readers to remember my words, my lines, my characters. I don’t want them to forget my stories. Ang focus ko, sa stories. Wala sa akin. Pero lucky ako na matagpuan ang JIJIES. Hindi lang stories ko ang minahal nila, pati na rin ako.

Ako bilang author, ang dami kong na-receive na hate comments, negative thoughts about my novels. But pili lang `yung naapektuhan ako kasi for me, hindi ko talaga sila reader, hindi sila JIJIES. Lalo na nang mai-reveal ang cast. Ang daming negative, nahigitan ang positive, literal! Lahat ng taong `yon, nagsalita against me, even my own readers, as if alam nila lahat, as if napagdaanan din nila lahat. `Yung nangakong susuportahan ka hanggang dulo, nilagyan ng hangganan ang pangakong `yon, at nagsalita ng masakit laban sa `yo dahil para sa kanila, hindi karapat-dapat ang cast na napili. Sa huli, pinili kong manahimik. Kasi ako `yung may alam ng totoo: napili ang cast not only because they deserve it, but because they can do it.

Ngayon naiintindihan ko nang if you want to become successful sa isang bagay na mahal mong gawin, you also have to go through a lot of hardships, pain and struggles. Madaling sumuko sa pangarap kapag nahihirapan na, pero naisip ko, what if subukan kong huwag sumuko? Baka may ma-achieve ako. Maaaring `yung hardships, pain and struggles ko ngayon, success na bukas. May doubters, may haters, may bashers, may teachers, may lessons, may experience at marami pang iba. `Yung number one supporter mo ngayon, maaaring maging number one basher mo bukas. `Yung numero unong nagsasalita nang masasakit sa `yo ngayon, pwedeng maging pinaka-genuine na fangirl mo bukas. Maraming pwedeng mangyari, maraming pwedeng matutunan at ma-experience. Ang mahalaga, habang pinagdaraanan mo ang lahat ng `yon, natutupad mo ang dreams mo, hindi nagbabago ang tiwala mo sa sarili mo, at naniniwala kang kaya mo.

Watch He’s Into Her on Netflix Philippines and on iWantTFC Wordwide. ❤️💙

MAXIE & MEH 🐾

A day with KIMENIAH & CHLOE

Woke up at 6:30 in the morning, had breakfast and took a shower. Sa simple makeup look ko, halos isang oras bago ako natapos kadadaldal ko. Pero sobrang na-amaze ako kasi hapon na, fresh-looking pa rin with Kimeniah Lip&Cheek Tint and Chloe Clay Paint. Yay!

MAXINEJIJI Beauty sakalam. <3

HE’S INTO HER ON NETFLIX

©️ ABS-CBN Kapamilya Asianovelas

Isa ito sa pinaka-excited akong i-announce kasi dream come true talaga. <3 from Wattpad to LIB to iWantTFC & ABS-CBN to Netflix. I’m so proud of this novel. Ito ang nagturo sakin maging patient sa success, sa pagsusulat, sa lahat ng gusto kong marating at makamit na may kinalaman sa writing. Masasabi kong malayo na nga ang narating ng nobelang ito pero hindi ko pa rin nalilimutan yung panahong nagsisimula pa lang ako.

Proud din ako sa lahat ng cast at production team na bumuo ng series. Hindi biro yung pinagdaanan nila, naming pare-pareho. Kilala na ang story ko before pa mai-series, pero hindi umabot sa kalahati ng followers ko ang sumuporta at naniwala sakin nung i-reveal kung sino ang magiging cast. Na-bash kami, pinagsalitaan nang kung ano-anong masasakit na salita, hinusgahan at tinalikuran. Marami akong readers na umayaw sa akin dahil sa cast. Wala ni isa sa amin ang pumatol kahit pa pare-pareho kaming naapektuhan. Nakakatakot kasi mapapaisip ka talaga kung may manonood pa ba?

Pero isang bagay na tinuro sa akin ng story na to noong sinusulat ko, MAGTIWALA. Nagtiwala ako sa characters ko noon, kaya magtitiwala ako sa cast namin ngayon. Pinili sila sa series na `to dahil kaya nila, dahil para sa kanila `to, dahil karapat-dapat silang lahat. At ganoon din ang series, karapat-dapat siyang mapanood nang marami. Nakakatuwa lang. <3

MAZE MOON

Isa si Maze Moon sa favorite kong characters na ginawa ko. She’s imperfect, madalas maraming ayaw sa kaniya. Kasi hindi pa siya lubos na kilala.

Ngayon ko lang na-realize na bagay na bagay sa name niy yung shade na `to, grabeeee, hindi ko naman na first time gamitin ang Maze shade pero lalo akong natuwa kasi bumagay talaga siya sakin kahit maghuhugas lang naman ako ng plato.

MAXINEJIJI Beauty you’re the best! 😻👌

MAXINEJIJI Beauty Lip & Cheek Tints

Hindi naman sa pagmamalaki pero magaganda talaga ang shades namin. I’m using MAXINEJIJI Beauty Lip & Cheek Tints in shades Keziah and Zarnaih. Instead of ten shades, may pang-eleventh shade na ako. #TipidTips. Hindi lang siya long-wearing, transfer-proof pa so hindi problema ang mask, or pag-inom at pagkain. Ganyan kami sa MAXINEJIJI Beauty, no limits! <3

LOVE WITHOUT LIMITS


© MAXINEJIJI Admin Team