HE’S INTO HER ON NETFLIX

©️ ABS-CBN Kapamilya Asianovelas

Isa ito sa pinaka-excited akong i-announce kasi dream come true talaga. <3 from Wattpad to LIB to iWantTFC & ABS-CBN to Netflix. I’m so proud of this novel. Ito ang nagturo sakin maging patient sa success, sa pagsusulat, sa lahat ng gusto kong marating at makamit na may kinalaman sa writing. Masasabi kong malayo na nga ang narating ng nobelang ito pero hindi ko pa rin nalilimutan yung panahong nagsisimula pa lang ako.

Proud din ako sa lahat ng cast at production team na bumuo ng series. Hindi biro yung pinagdaanan nila, naming pare-pareho. Kilala na ang story ko before pa mai-series, pero hindi umabot sa kalahati ng followers ko ang sumuporta at naniwala sakin nung i-reveal kung sino ang magiging cast. Na-bash kami, pinagsalitaan nang kung ano-anong masasakit na salita, hinusgahan at tinalikuran. Marami akong readers na umayaw sa akin dahil sa cast. Wala ni isa sa amin ang pumatol kahit pa pare-pareho kaming naapektuhan. Nakakatakot kasi mapapaisip ka talaga kung may manonood pa ba?

Pero isang bagay na tinuro sa akin ng story na to noong sinusulat ko, MAGTIWALA. Nagtiwala ako sa characters ko noon, kaya magtitiwala ako sa cast namin ngayon. Pinili sila sa series na `to dahil kaya nila, dahil para sa kanila `to, dahil karapat-dapat silang lahat. At ganoon din ang series, karapat-dapat siyang mapanood nang marami. Nakakatuwa lang. <3

3 thoughts on “HE’S INTO HER ON NETFLIX

Leave a Comment