“I AM going to my office.” Hindi ko inaasahang magsasalita si Clifford sa daan pauwi.
Nilingon ko siya ngunit nanatiling tutok sa iPad ang paningin niya habang ang Apple Pencil ay nakatutok sa sentido na animong nag-iisip.
Office? Napabuntong-hininga ako.
“Ihahatid ka na muna namin sa bahay,” dagdag niya nang hindi ako sumagot.
Sa plano namin ni Clifford, isang buwan siyang hindi papasok para sa honeymoon stage na tinatawag ng mga bagong kasal. Isang buwan siyang hindi papasok sa trabaho at mananatili kami sa bahay kahit na ang alam ng karamihan ay mag-a-out of town kami para sa honeymoon. Kailangang magmukhang totoo ang palabas na `to at `yon ang isa sa mga pinakaaabangan ng bagong kasal, maging ng pamilya ng mga `to.
Hindi ko alam kung bakit nagbago ang isip niya at nagdesisyong pumunta sa office. Pero wala akong magagawa ro’n kahit pa alam ko. Besides, palabas lang naman ang kasal na `to, he’s allowed to do whatever he wants. At dahil siya si Clifford Apollo Litton, rules and terms niya ang masusunod.
“Sige.” Iyon lang ang sinagot ko at muling tumingin sa labas at nag-isip.
“Everyone’s there, they’ll take care of you.” Hindi ko na naman inaasahang idadagdag niya.
“I’m fine.” Hindi ko na siya nilingon.
“Tell them if you need anything.”
I said, I’m fine. Hindi ko kayang sabihin ang nasa isip. “Thanks.”
Paano kaya nalaman ni Tita Milla ang tungkol sa `min ni Clifford? Sigurado akong malinis naming naplano ang lahat kaya imposibleng may alam siya. Napakametikuloso ni Clifford na maski `yong kaliit-liitang detalye, siniguro niyang hindi magiging butas. Bukod do’n, lahat ng nakaaalam at parte ng palabas na `to, may pinirmahang legal contract at binayaran niya para hindi magsalita. Nakasaad do’n ang pwede nilang maging parusa at kailangang bayarang danyos kapag hindi sila sumunod sa legal na kasulatan. Sigurado akong mga tauhan lang niya sa bahay ang nakaaalam nang totoo.
Walang idea ang family naming dalawa na palabas lang ang lahat. Kumbinsido ang family ni Clifford that he fell in love with me no’ng unang beses pa lang kaming magkita. Nagustuhan agad ako ng parents at mga kapatid niya, gano’n din ako sa kanila. Ni hindi ako nahirapang makisama.
Habang ang step-father, step-sister at step-brother ko naman ay naghinala. Hindi ko sila masisisi dahil hindi nila nakita sa `kin `yong mga natural na makikita sa babaeng taken; napupuyat dahil may kausap o ka-text sa phone, maganda ang mood, lumalabas para makipag-date, may sumusundo at naghahatid. Lahat ng nakita nila sa `kin ay kabaliktaran ng mga `yon; kompleto lagi ang tulog ko dahilan para maipagmalaki ko ang ganda ng kutis ko, halos hindi ko hawakan ang phone ko, masungit, lumalabas nga pero para makaiwas sa kanila, umaalis at umuuwi nang mag-isa. Matagal bago namin sila napaniwala. `Yon ay nang pakasalan nga ako ni Clifford.
Kahit pa alam kong posibleng may makaalam, hindi ko inaasahang ganito kaaga at si Tita Milla pa. She has nothing to do with my family. Wala siyang kilala maski na isa sa pamilya ko, ni wala siyang idea sa family background ko. How come alam niya ang tungkol sa sikreto namin ni Clifford?
Napabuntong-hininga ako nang maalala ang rason ni Clifford na binanggit ni Tita Milla. Hindi ko masabing nagulat ako, hindi kasi gano’n ang naramdaman ko. Pero hindi ko `yon inaasahan.
Kung gano’n…`yon pala ang dahilan niya. Hindi ko alam ang mararamdaman.
Hindi gano’n kalalim ang pagkakakilala ko kay Clifford. Kahit pa isang taon na kaming nagsama bilang magkarelasyon, nagplano, hanggang sa ngayong nasa iisang bahay kami, lahat ng nalalaman ko sa kaniya, may kinalaman lang sa pilit naming pagsasama. Pero kung sino siya sa likod ng palabas na `to, wala akong ideya.
Kung dati, nasa dilim lang ako, last year nagsimulang maging impyerno ang buhay ko nang makadispalko nang malaking halaga ang step-father ko. He’s a contractor, at tumanggap siya ng bilyon-bilyong projects kay Clifford. He agreed to supply services, materials, goods, equipments and people who works under his management to construct billion-peso projects sa company na `yon. Sa huli, tinakbo raw ng step-father ko ang pera at walang nabuo, ni nasimulang project maski isa. Tinawag siyang scammer, estapador at magnanakaw ni Clifford.
Nalaman ko lang ang tungkol do’n nang sumugod si Clifford Apollo Litton sa bahay namin isang araw, kasama ang hindi mabilang na pulis at mga abogado. Iyon din ang unang beses na nakilala ko siya.
Matagal na palang problema `yon ng Papa, wala akong ideya. Ni hindi ko naisip o napansing may pinagdaraanan siya dahil ang totoo, mas nagbuhay-mayaman pa siya. Kung dati, sa commissary siya namimili para makamura bukod sa may kumpare siyang military officer, napadalas ang pamimili niya sa S&R. Twice a week yata siya kung mag-grocery. Sabay-sabay niyang binilhan ng Apple products ang step-siblings ko, nandiyan `yong latest iPhones and iPads, at bumili siya ng sariling iMac para raw sa trabaho. Ang mas nakakagulat, napalitan ang ilan sa appliances sa bahay; big flat screen TV with latest features at airconditoner na inverter at napakalaki. Natatandaan ko pang bago ko malaman ang lahat, madalas silang magpunta sa Tagaytay para mag-unwind at nagbakasyon sa Pangasinan. Nalaman ko pang binilhan ng Papa ng N-MAX na motor ang pinsan niya sa probinsya. Maaaring malaki ang kita niya pero noon ko lang siya nakitang magbuhay-mayaman sa magkakasunod na buwan. Huli na nang malaman ko na hindi niya pera ang pinangwaldas niya sa mga `yon.
Napapikit ako nang maalala kung gaano kagulo nang sandaling `yon. Nakatingin lang si Clifford sa step-father ko pero ang galit ay nababasa ko sa mga mata niya. Hindi makapagpaliwanag si Papa kung saan niya dinala ang pera at hiniling pang patayin na lang siya para mapagbayaran ang ginawa niya. Nakakalokong ngisi ang sinagot ni Clifford sa huli at sinabing hindi sa impyerno ang kamatayan ni Papa na gusto niya. Kundi sa mundong ito, kung saan pagbabayaran niya ang bawat sentimong ipinagkatiwala sa kaniya ngunit winaldas niya.
Nang sandali ring iyon inanunsyo ni Papa na tanggapin ako bilang kabayaran dahil naghahanap umano si Clifford nang mapapang-asawa. Pareho kaming nagulat ni Clifford. Natural, hindi namin kilala ang isa’t isa. Naro’n siya para maningil sa Papa habang ako naman ay kauuwi lang galing sa opisina. Ni hindi ko pa alam kung bakit kinakaladkad si Papa ng mga pulis palabas ng bahay namin tapos iaanunsyo niyang tanggapin ako bilang kabayaran sa hindi ko pa nalalamang dahilan? Sino ang hindi mababaliw nang panahong `yon? Napakagulo talaga. Hanggang sa oras na `to, nararamdaman ko ang kahihiyan, kalituhan at galit.
Sa sobrang lalim ng pag-iisip, hindi ko namalayang nakauwi na kami kung hindi pa `ko pinagbuksan ng pinto ni Leon. Tutok pa rin si Clifford sa iPad niya kaya naman hindi na ako nag-abalang magpaalam. Basta na lang ako bumaba sa kotse at pumasok sa mansyon.
“Nakauwi ka na pala. Ipaghahanda kita ng pamalit,”nakangiti akong sinalubong ni Loida. Sa kabila ng edad niya, makikita kung gaano siya kaganda noong kabataan.
“Ako na lang, Loida, salamat,” nakangiti ring sagot ko. Bukod sa kaniyang pangalan, wala na siyang ibang gustong ipatawag sa `kin.
Muli siyang ngumiti at sumulyap sa likuran ko. “Nasa’n si Sir Apollo?”
Napabuntong-hininga ako. “Kailangan daw niyang pumunta sa office. Magpapalit na muna ako.”
Dumeretso ako sa kwarto at doon nagpatuloy sa pag-iisip. Mula sa pagpapahinga hanggang sa pagligo, hindi ako tinantanan ng mga sinabi ni Tita Milla.
Aaminin kong masyado akong naging ambisyosa nang isipin kong natipuhan ako ni Clifford kaya pumayag siyang ako ang maging kabayaran sa ginawa ng step-father ko. Pero nang sandaling kausapin niya `ko tungkol sa plano niya, nagising ako sa kahibangan.
Hindi man lang siya nag-alinlangang sabihin at iparamdam sa `kin na gagamitin niya lang ako dahil kailangan niya nang maihaharap na asawa. Hindi nga siya nagbigay ng dahilan.
Walang-habas niya ring sinabi na kulang na kulang daw ako kompara sa halaga na tinakbo ng step-father ko. Ni ayaw niyang magpatawag sa `kin ng Apollo. Tanging malalapit na tao lang daw ang may karapatang tumawag sa kaniya sa pangalang `yon. Wala raw siyang ideya sa pagkatao ko at anak ako ng taong nanloko at sumira sa tiwala niya kaya huwag daw akong magkakamaling tawagin siya sa pangalang `yon. Pero humanga ako kung gaano niya ka-professional sinabi `yon, ako pa ang nahiyang ma-offend.
Hindi mawala sa isip ko ngayon ang tungkol sa ex-girlfriend niyang binanggit ni Tita Milla. Gaya ng sinabi niya, masyadong mababaw na dahilan ang magpakasal si Clifford dahil lang nagpakasal ang ex niya nang hindi nakikipag-break sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang sa isang tulad niya; successful and intelligent, maiisip ang ganito kababaw na solusyon. Pero gano’n na lang talaga siguro kalalim ang nararamdaman niya para umabot sa ganito ang ganting gusto niya.
“Marée Dominique?” kumatok si Loida sa nakabukas kong pinto bago tumuloy.
Nasa harap ako ng vanity at tinutuyo ang buhok ko. “Yes, Loida?” nginitian ko siya.
“Ipinaghanda kita ng merienda sa patio.”
Natigilan ako sandali saka muling ngumiti. Inilapag ko ang brush at saka sumabay sa kaniya palabas.
Binati ako nina Anna at Maggie, dalawa pang helpers ni Clifford, nang madaanan namin ang mga itong naglilinis sa sala bago kami lumabas sa patio. Sa labas naman ay naabutan namin si Kuya Jose na nililinis ang hindi mabilang na luxury cars ni Clifford. Caretaker siya at karilyebong driver ni Leon, ang personal driver at assistant naman ni Clifford.
Nanlaki ang mga mata ko sa puto at kutsintang nakahanda. “You made these?” nakangiti akong nag-angat ng tingin sa kay Loida.
“Nagsisimula pa lang ako sa baking kaya pagpasensyahan mo na `yan. Nanonood lang kasi ako sa internet at ginagaya ang luto ng iba.” Tumawa si Loida. “Libangan ko `yon kasi wala naman masyadong ginagawa dito sa mansyon.”
“Weekend ngayon, why is everyone here anyway?”tanong ko matapos maupo. “I mean, why don’t you take a day off?”
“Naku, wala kaming day off. Hindi naman nakakapagod ang trabaho rito kaya sapat nang pahinga `yong pagtulog namin nang maaga. Isa pa, saan naman gagala ang may edad nang tulad ko?”
“Still, kailangan ninyong lumabas.” Hindi maipinta ang itsura ko. “Baka naman hindi kayo pinapayagang mag-off ni Clifford? I can…talk to him if you want.” Ang lakas ng loob kong sabihin `yon. Gayong ako mismo, tumitiklop sa sandali pa lang na makita ko ang malamig niyang tingin.
Hindi ko inaasahang tatawa si Loida. “Gano’n lang si Apollo pero napakabait no’n. Hindi niya gagawin `yang naiisip mo. Pinipilit niya rin kaming mag-day off pero wala sa `min ang mahilig lumabas.” Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya, although, hindi naman siya mukhang nagsisinungaling.
Naupo siya sa harap ko at pinaglagay ako ng puto sa maliit na plate. “Mag-asawa sina Jose at Maggie, sinagot ni Apollo ang pag-aaral ng anak nila hanggang sa kolehiyo. Gano’n din ang dalawang anak ni Anna, at binigyan pa ng trabaho ang asawa nito. Tumanda na `kong hindi nakapag-aasawa, wala na rin akong uuwiang pamilya kaya naman kontento na `kong narito sa mansyon.”
Napabuntong-hininga ako. “Hindi pa rin sapat na reason `yon para hindi kayo mag-day off. Kailangan niyo rin ng ibang environment paminsan-minsan.”
“Lumalabas naman kami, minsan sa dalawang buwan. Pero sandali lang. Mas nalilibang kami rito sa bahay. Hinahayaan kami ni Clifford na gawin anumang nais namin matapos ang trabaho. Minsan nga ay mahaba pa ang pahinga namin kompara sa kaniya.”
Ngumiwi ako at sa halip na kontrahin pa siya, tinikman ko na lang ang kaniyang inihanda. Namangha ako sa lasa. “In fairness, hindi halatang nagsisimula ka pa lang mag-bake. Masarap ang mga `to, Loida.”
“Salamat, Marée Dominique.” Mababasa ang tuwa sa mga mata niya.
“Marée na lang.”
“Baka magalit si Apollo, siya lang yata ang may karapatang tumawag sa `yo ng Marée.”
Gulat ko siyang nilingon. “Wala kaming usapang gano’n. Isa pa, hindi naman ako tulad niya,” out of bitterness, mataray ko nang sinabi ang huli. “Okay lang kahit ano’ng itawag mo sa `kin.”
Iginala ko ang paningin sa bakuran. Parang kahit ilang oras kong tingnan `yon, hindi ko pagsasawaan. Wala akong masabi sa mansyon ni Clifford, napakaganda, kompleto, luxurious at lalaking-lalaki.
Kung ako ang tatanungin, hindi ko kakayaning mamuhay mag-isa sa gano’ng kalaking bahay, kahit pa may kasamang helpers. Close siya sa family niya kaya hindi ko maiwasang magtaka kung bakit pinili niyang bumukod kahit pa nasa tamang edad na.
Saka ko muling naalala ang ex-girlfriend niyang binanggit ni Tita Milla. Siguro…nagplano na siya para sa future nila at kasama `to ro’n. Dito niya sana ititira ang ex-girlfriend niya.
“Iniisip mo na siguro kung paano kang tatagal dito?”natatawang ani Loida, nahinto ako sa pag-iisip at mapait na ngumiti. Totoong isa `yon sa iniisip ko, hindi man sa oras na `to.
“Ang totoo, workaholic nga ako noon. Teller ako sa banko. Limang beses lang ang pasok ko sa isang linggo kaya every weekend nagtatrabaho ako sa isang European company at nagtuturo. Ayokong mag-stay sa bahay kaya…isa nga talaga `yan sa iniisip ko.” Hindi mahirap para sa `king magpakatotoo kay Loida, maayos siyang kausap.
Laking pasalamat kong napagtapos ako ng pag-aaral ni Mama bago siya nawala five years ago. May nagamit akong degree bilang escape sa nakaka-frustrate kong buhay.
Hindi ko nakilala ang biological father ko. Sabi ng Mama, naaksidente siya sa barko kung saan siya nagtatrabaho bilang seaman. Five years old ako nang makilala ni Mama si Adelino Fulgar, ang step-father ko. Buntis na siya sa unang anak nila nang ikasal. Makalipas ang dalawang taon, ipinanganak ang bunsong step-sister ko. Hindi kasal si Mama sa biological father ko kaya sa paningin ng step-father at dalawang kapatid ko, ako ang anak sa labas. Walang araw sa dumaang taon na magkakasama kami na naging masaya silang kasama ako. Kahit pa gusto kong iparamdam `yon sa kanila, tinutulak nila ako palayo.
Mas lumala ang hindi namin pagkakasunduan ng step-father at mga kapatid ko nang mamatay si Mama. Gusto nilang makuha ang bahay na tumulong naman kami ni Mama na magbayad. Bukod do’n, ako rin ang inoobliga nilang pumasan sa bills at iba pang monthly expenses. Syempre, tumanggi ako at nakipagtalo. Hindi patas `yon dahil hindi lang naman ako ang nagtatrabaho at nakikinabang sa mga gastusin sa bahay.
Kaya mula nang magtrabaho ako, pinatay ko na ang katawan ko para kumita at suportahan ang sarili ko. Bukod sa `yon lang ang daang meron ako para makaiwas sa kanila.
“Ayaw ni Sir Apollo na magtrabaho ka, hindi ba?”nagising ako sa malalim na pag-iisip sa tanong ni Loida. “Gusto niyang dito ka lang sa bahay.”
Tumango ako. “Para makaiwas sa mali. Ayaw niyang ako ang maging dahilan para masira ang matagal naming pinagplanuhan. Pero naniniwala akong makababalik din ako sa trabaho. Besides, hindi panghabang-buhay ang palabas na `to.”
“Tama. Baka dumating `yong panahong magkatotoo ang palabas ninyo,” nakakalokong aniya, hindi ko inaasahan.
Napangiwi ako. Sa lahat ng imposible, `yon ang nangunguna. “Palabiro ka talaga.”
“Biro ba `yon sa tingin mo, Marée?” humalakhak siya.
Natigilan ako saka nakitawa. “Bakit, sa tingin mo ba ay mai-in love kami sa isa’t isa nang nagyeyelo mong amo?” Napairap ako. “Hindi man ako naging employee of the month, professional ako sa trabaho,” sarkastikang biro ko.
Gano’n ang sinabi ko pero ang totoo, paulit-ulit kong inisip ang sinabi ni Loida hanggang sa matapos kaming magmeryenda. At naiinis ako sa sarili ko dahil umiiling man, nakangiti kong tinatanggihang posibleng mangyari `yon.
“Pagkatapos ng meryenda, ano nang ginagawa ninyo?” usisa ko nang makabalik kami ni Loida sa loob. Nakipagngitian ako kina Anna at Maggie na papunta sa kusina.
Sumunod kami ni Loida sa dalawa. “Nakaplano ang niluluto namin sa buong linggo, at lahat `yon ay aprubado ni Sir Apollo. Kung ano `yong nakaplanong lutuin sa tanghalian, `yon ang pinagkakaabalahan namin. Gano’n na rin sa hapunan.”
“Maliban na lang kung may special request si Sir Apollo, nababago ang listahan. Madalang mangyari `yon,” dagdag ni Anna.
Napangiwi ako. “Paulit-ulit `yon? I mean, araw-araw kayong gano’n?”
Sabay-sabay na natawa sina Loida, Anna at Maggie, nahawa rin tuloy ako.
“Sinabi ko na sa `yo kanina, wala masyadong ginagawa rito,” ani Loida.
“Minsan, kahit malinis, nililinis namin ulit, may magawa lang,” natatawang ani Anna.
“Mas nakakapagod pa ngang manood kaysa magtrabaho,” sabi naman ni Maggie.
“Marunong kang magluto?” tanong ni Loida.
Lumapit ako at tiningnan ang mga inihanda nilang karne. “Medyo. Pero may maituturo ka ba sa `kin? Gusto kong matuto.”
“Halika, ipakikita ko sa `yo kung paanong luto ang gusto ng asawa mo,” nakangising ani Loida, napangiwi ako.
Kakaiba sa pandinig ang dalawang huling salita na binitiwan niya. Pakiramdam ko wala pang nagsabi no’n sa `kin kaya ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang kiliti na epekto no’n.
Ang mga sumunod na oras ay inilaan namin sa pagluluto. Kaunti lang ang naitulong ko pero marami akong natutunan sa tatlo. Lalo na sa mga ayaw at gusto ni Clifford na magagamit ko kung sakali sa pagpapanggap na `to. Ang hindi ko malilimutan, hindi siya kumakain ng gulay. Hindi ko alam kung matatawa ako. Sa sungit niyang `yon, at sa ganda ng built ng katawan niya, hindi kapani-paniwalang ayaw niya sa masusustansyang pagkain.
Madilim na nang dumating si Clifford. Sumilip ako sa bintana nang matunugan ko ang pagdating nila ni Leon. Napabuntong-hininga ako nang panoorin ko siya mula sa pagbaba sa sasakyan, paglalakad habang niluluwagan ang tie at paghubad ng coat.
Kung hindi ko lang siya kilala bilang cold na tao, kung hindi ko lang ramdam ang malamig niyang pakikitungo, hindi malabong humanga ako sa lalaking ito. Walang babae ang hindi mahuhulog ang panga sa kaniyang itsura at malakas na dating. Sa ganda ng katawan niya, mapapaisip ka talaga kung paanong nangyari `yon gayong wala siyang gulay na kinakain maski isa.
Pinagbuksan siya ng pinto ni Loida. “Where’s my wife?”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang tanong niya. Napalingon ako sa gawi niya, hindi niya inaasahang masasalubong ang tingin ko. Nindi niya inaasahang nando’n ako. Nag-iwas siya ng tingin at in-unbutton ang tatlong unang butones ng longsleeves niya.
Bahagya akong lumapit. “You must be hungry.”
Nilingon niya ako at tinitigan sandali, malayo na `yon sa gulat na nakita ko kanina. `Yon na `yong natural niyang malamig na tingin. “Have you had supper yet?”
Umiling ako. “I was waiting for you.”
“I already ate outside,” malamig niyang tugon, umawang ang labi ko sa pagkapahiya. “Go ahead and eat with them.” Tinalikuran niya ako matapos sabihin `yon. Kumuyom ang mga palad ko sa pagkapahiya dahil alam ko kung sino-sino ang mga naro’n at nakarinig sa sinabi niya.
Ang init ng pisngi ko habang nagdi-dinner kasabay ang lahat. Tahimik silang pare-pareho, tunog lang ng gamit ang gumagawa ng ingay. Kaya pakiramdam ko, lalo akong namumula dahil parang nahihiya rin silang mapanood ang pagkapahiya ko.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang makabalik. Nag-iisip ako kung itutuloy ko ang planong kausapin si Clifford. Sigurado akong hindi pa siya lumalabas mula sa study kaya pwede ko pa siyang kausapin. Oras na pumasok na siya sa kaniyang silid, hindi na `ko pwedeng lumapit.
Bago pa `ko maunahan ng kaba, tumayo na ako at pumunta sa study. Humugot ako ng lakas ng loob saka kumatok.
“Clifford, it’s me,” sabi ko.
“Come in,” boses ni Clifford.
Binuksan ko ang pinto ngunit hindi ako tumuloy, nanatili ako ro’n, nakatayo. Hindi gano’n kaliwanag sa study. Tanging `yong dalawang wooden study lamp sa magkabilang gilid ng mahaba at malapad na desk ni Clifford ang nakabukas. Tutok sa binabasang mga papel ang mga mata niya at hindi man lang lumingon sa `kin.
He’s wearing his black reading glasses. His hair is usually styled in quiff, perhaps, masyado siyang naging busy kaya nagbagsakan na ang buhok niya paharap. Gayunman, na-enhance ng fringe hairstyle lahat ng facial features niya at kung hindi lang siya cold, na-attract na talaga siguro ako.
Suot pa rin niya ang white longsleeves na nakapailalim sa coat niya nang makauwi. Wala nang tie at nakabukas na ang apat na butones mula sa kwelyo. Hindi na `ko magugulat kung maging pants, hindi pa siya nakapagpapalit. He’s that busy.
“What do you need?” tanong niya.
Inalis niya ang paningin sa papel ngunit itinuon `yon sa MacBook Pro na kaharap din niya. Nag-scroll siya sa mouse at kunot-noong binasa ang kung ano mang nasa screen niyon.
“What do you need, Marée?” saka pa lang niya ako nilingon.
“Can we talk for a minute?” binasag ng alinlangan at kaba ang boses ko.
Sandali siyang tumitig sa `kin at pabuntong-hiningang tinuon muli ang paningin sa laptop. “Let me finish this. I’ll go to your room.”
“Oh…okay,” noon lang yata ako nakahinga. Parang mula nang buksan ko ang pinto ng study, pigil ko na ang hininga ko sa sobrang kaba.
Marahan kong isinara ang pinto at maingat na naglakad pabalik sa kwarto ko. Nanatili akong nakatayo at nagpalakad-lakad sa silid, iniisip kung paanong sisimulan ang gusto kong sabihin.
Matagal ko siyang hinintay. Pero nang sandaling maramdaman ko ang mga yabag niya palapit sa aking kwarto, hiniling kong sana ay nagtagal pa siya dahil tumindi lalo ang kaba ko.
Kumatok siya sa pinto, nagtama ang paningin namin nang lumingon ako dahil nakabukas `yon. “Do you usually leave your door open?” tanong niyang sinulyapan ang pinto. “May I?”
“Yeah…please come in,” pigil ko na naman ang hininga.
Hindi ko inaasahang mauupo siya sa mahabang couch, pinagkrus ang mga hita at braso saka nag-angat ng tingin sa `kin. “What was it that you wanted to speak about?”
Nayakap ko ang sarili at paulit-ulit na hinaplos ang mga braso ko. Sigurado akong katamtaman lang ang lakas ng aircon and I’m wearing a white, cotton vintage nightgown with long sleeves. Pero parang guminaw bigla dahil na naman sa malamig niyang tingin.
Naupo ako sa kaharap niyang couch at saka bumuntong-hininga. “Give your helpers a day off.” Nilakasan ko nang todo ang loob ko para masabi `yon.
Awtomatikong kumunot ang kaniyang noo ngunit hindi sumagot. Pero sa paraan ng pagkakatitig niya sa `kin, para bang inaasahan niya nang isusunod kong sabihin ang dahilan ko para ipakiusap `yon.
“They’re taking good care of your house and doing their jobs properly with or without your presence. They deserve a break,” paliwanag ko.
Matagal uli siyang tumitig sa `kin, hindi man lang nagbago ang prenteng pagkakaupo. Pero matunog siyang bumuntong-hininga. “Are you bossing me around?”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ngunit agad ding nag-iwas ng tingin at napalunok. “No. Absolutely not.” Wala pa man, nilalamon na `ko ng hiya.
“Did they ask you to talk to me, then?”
“No, hindi gano’n,” giit ko. Kahit nagsasabi ako nang totoo, kinakabahan akosa mga titig niya, masyadong naniniguro. “I was just…concerned, I mean, weekend ngayon pero nandito sila sa bahay.”
Hindi siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa `kin at pinatitindi ang kaba ko. Mukhang nakukulangan siya sa dahilan ko. Bakit nga ba pinakialaman ko pa ang tungkol dito? Sinabi na nina Loida na ayos lang sa kanilang hindi mag-off pero pinilit ko pa rin ang kung ano’ng tama sa tingin ko. Gayong hindi naman kami close ni Clifford para makiusap ako nang ganito.
Napabuntong-hininga ako nang maisip ang lakas ng loob ko kanina. Na awtomatikong natunaw sa isang malamig na tingin niya.
“Nandito naman ako,” huli na bago ko mapag-isipan ang sinabi. “I mean, I can clean the house while they’re outside..if…that’s your concern.”
“My house is clean,” awtomatikong sagot niya, naitikom ko ang bibig. “Thanks to them.” Tumayo siya at namulsa matapos sabihin `yon. “Kung `yon lang ang sasabihin mo, babalik na `ko sa study room. Marami pa `kong gagawin.”
Nilampasan niya `ko ngunit bago pa siya umabot sa pinto ay humabol na `ko. “I hope you can consider—”Natigilan ako at napaatras nang bigla niya `kong lingunin.
“I…hate being told what to do nor do I like someone making choices for me. Mind your own business, will you?” malamig niyang sinabi saka ako tuluyang tinalikuran at iniwan.
Nakasimangot ko siyang sinundan ng tingin saka ako pasalampak na naupo pabalik sa couch.
Ang sama naman ng ugali niya. Isang araw lang naman ang hinihingi, hindi pa maibigay. `Buti nakakatagal sina Loida sa kaniya?
Iginala ko ang paningin sa buong silid at naiinis na natawa. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na gabi na. Ano na naman kaya ang gagawin ko bukas bukod sa mag-isip? Hanggang kailan ko kaya talaga matatagalan `to? Hindi pa man tumatagal ng isang linggo ang pagpapanggap na `to, napapagod na `ko.
To be continued. . .
Naiinis ako sa Stepfather mo dahil ginawa ka pambayad utang. Siya tong gumastos ng mga kinuha niyang pera tapos ikaw ang gagawing pambayad?! Sarap kutusan ng stepfather mo, Marée
when kaya update ate max? keep up the good work po.
Waiting sa update mo ate Max!! May bago nanaman akong kakaadikan HAHAHAJSHASHA
“mind your own business” sipat kayat mo?
Still waiting po sa next chapter…miss jiji…lovelats
shotakels sis mapapanot ako neto sau cliff
nakakainis, feeling ko iiyak ako dito kasi masasaktan ng sobra yung girl dito
Subrang na happy ako nong nakita ko yung update grabe tagal kong nag hintay
Ehem 2022 ehem
I dont like this kind of relationshit.. One feel so powerless and one feel so entitled with everything in life. Alam ko namang kwento lang to pero nababadtrip ako kay Clifford. Sarap i divorce agad, sarap tadyakan sa ngala ngala. 😅😂😑 Thanks for the update ate max.
Hindi deserve ni Marèe yung trato sa kanya ng mga tao sa paligid nyaaa 🥺🥺🥺 Buti na lang nandyan sila Loida
Kaya mo yan Marèe! Chapter 2 pa lang tayo oh! Fighting!
sandali ngaaaa. sabi ko wag ko muna basahin to kasi alam kong lagi tong bitin eeee. kaya ano na 😭😭😭
kinilig ako sandali nung “where’s my wife” ni clifford tapos naglaho agad dahil sa pagiging rude niya kay marèe
potek, umiiyak na ko chapter 2 palang, hihintayin ko yung panahong hahabul habulin mo si Marée , Apollo na masungit 🤧
Thank you sa update Ms. A☺️❤️God bless po🙏😇
Thanks SA ud ate max☺️❤️
Go lang gurl!
Go lang gurl!
Yung “Where’s my wife?” nalang talaga ang mga salitang pinanghahawakan ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko at mapigilan ang mga luha ko para kay Maree.
chapter 2 palang maree unting tiis muna hindi pa masyadong masakit hehehe
ate max chapter 2 pa lang naiiyak na ako😭, mahal na mahal ko talaga yung mga story mo kahit masyadong mapanakit. Thank you sa update😘
Waahhh gandaa ng story kahit chapter 2 pa lang, Apollo napakalamig mo ha. Super bitin talagaa waiting sa next update atee max ❤️. Pero ask ko lang po tuwing kailan po naguupdate dito?
Bat wala to sa wattpad??
Ang ganda ng name ng characters 🤍
naninikip dibdib ko dito hanep
Kulang ang tapang ni maree sa sobrang rude ni Clifford… parang tinutusok ang puso ko 😭
chapter 2 pa lang nakirot na dibdib ko!!! hihintayin ko talaga may manligaw kay maree na kasing pogi at yaman mo nako nako nako!! hihintayin ko ding maghabol ka clifford yawa!! kabitin author huhuhuhu
Thank you sa update ate Max. Pa iyakin mo kami sa story na to 🤣🤧
Ang ganda po ng storya
paano kaya maiinlove si Clifford?
2 chapters palang grabe na epeckto sa akin, nasasaktan n ako
tagal q ng naghihintay ate maxx huhhuhuhhuhuhuuhuh updated nmn piii
Ako nasasaktan para kay Mareé 😫
Sure na ate max 🙂 wala pang update🤧 matapos mo kaming bigyan ng napakagandang story bibitinin mo kami hshshshs
Ako naiinis sa step father ni maree, sya pa ginawang pambayad hays pero i know naman may maganda ding mangyayari kay maree may tiwala ako kay ate maxxx🖤
Pain
Still waiting parin po🤘🤘🤘🤘🤘🤘🤘👌
magbasa ka nalang ng wattpad or magkdrama Maree :>
so pretty ng story, worth it maghintay
Nakaka excite 💚 panu malalaman if meron na pong update?
Title palang nakakaintriga na😁😁 so excited for the next update🥰
Ate maneks,malamig ang panahon ngayon. Pero mas malamig ata tong Clifford na to. Kaloka,chap 2 palang parang gusto ko nang ginawin
Next update please !!! Sana sa Wattpad din my copy Neto . Grabe Ang Ganda Ng mga stories mo ate max !!
Paano Po malalaman na may update na hehehe
Nagdidilim paningin ko sayo Clifford Apollo. Hmmmp!
Excited na ako sa muling pagsalubong nitong dalawa sa loob ng bahay. Well anyway kahit wala pang update, pang 20 times ko na itong paulit ulit binasa pero di pa rin ako nagsasawa 🙂
Kailan kaya ‘ung ud ne’to????
Papano po natin malalaman if may update na sa story? Magno-notif po ba? Kung hindi, like how pooo😭 tenchu sa sasagot mwamwachupchup
pa notify po pag may other chapter na…
Ms. Maxx
Nag aalala na ako kay Maree 🙂 ano na kaya ang kalagayan niya sa loob ng pamamahay ni Clifford.
Hnd ko alam kung maiinis ba ako kay apollo or hindi ..
Next Chal po Ate Max Plssss😭❤
waiting sa update. huhu
Baka nman ate max update na hhehehe
Baka nman ate max update na February na po hhehehe
Bumabalik balik lang po talaga ako dito. Huhu. 🥹