SB19 CONCERT IN MANILA 2022 #SB19

THE BEST `YONG EXPERIENCE!

© Maxine Lat

Marami na `kong napuntahang concerts pero masasabi kong ito `yong the best na experience. Kasi siguro sa SB19 ko lang nakita `yong wala talagang pahinga `yong performers? `Yong ibibigay talaga sa `yo `yung performance na ine-expect mong makita. Walang pabitin, walang pahintay pero nakakasabik at walang oras na hindi exciting. Sobrang satisfying na mapanood sila nang live dahil sobrang gaganda ng boses, para kang nakikinig sa music video nila nang nakapikit. Kung ano `yong boses nila sa recording, radio stations, TV, gano’n din sa personal. Naaalala kong si Gary V at Regine Velasquez lang napanood kong ganito; kung ano `yong naririnig mong boses nila sa CDs and radio stations, gano’n din kapag live. `Yung quality ng boses nila, mapapasabi ka talagang sulit `yong pag-attend sa concert. At talagang natutuwa ako na unlike other concerts, sila lang talaga `yong napanood ko. Kumbaga sa palabas, walang commercial. Kung ano `yong inabangan mo, `yon ang binigay sa `yo.

Nag-stand out si Stell, of course, bias kasi talaga ako. Pero everytime kumakanta at nagpe-perform siya, walang time na mararamdaman mong nasasapawan niya `yong ibang members. Talagang nagpe-perform sila as one, as SB19. At hindi lang dahil at para sa A’TIN kundi dahil mahal nila `yong ginagawa nila. Wala nang mas gaganda pa ro’n. Pero dahil bias talaga ako, super galing ni Stell! Sobrang linis kumanta at sumayaw, mababasa mo talaga bawat kilos niya at mararamdaman `yong damdamin kapag kumakanta. At talagang mahal na mahal niya ang fans, halos buong concert, siya talaga `yong todo kausap sa fans. Grabe, Stell-thebest-ter!

© Maxine Lat

Hindi ko na first time manood ng concert, hindi ko na rin first time manood sa VIP section sa concert. Pero feeling first timers kami ni Layzelle. Halos lahat ng concerts na napuntahan ko, si Layzelle `yong kasama ko. In fact, nagsimula kami sa GenAd! That time, we were both unemployed at exact amount of money lang ang bitbit papunta sa concert. Hahaha! As in na-experience namin `yong hati sa fare, sa bottled water, sa food and everything! Enough lang talaga `yong dala naming money para makanood ng concert. May isang beses pa na kailangan naming mag-stay sa convenience store hanggang mag-umaga (7:00AM) kasi 2:00AM na kami nakauwi at takot ako mag-commute pauwi. Naka-dorm ako buong college days kaya talagang takot ako mag-commute, lalo na kapag alanganin `yung oras. Concert ni Lee Min Ho `yon. Nang mga panahong `yon, thankful na kami na pinatatambay kami sa convenience store at masaya na kaming nagkukwentuhan tungkol sa future namin. Sabay kaming nangarap na makaka-attend din kami sa concert with VVIP tickets if not VIP.

Lynrd, Layzelle and Maxine.
© Maxine Lat

From GenAd, naging Upper Box B kami. Naging Upper Box A. Naging Patron. Nakapag-VIP. And now nasa VIP Standing kami sa SB19 Concert.

Hanggang ngayon nagtatalo kami sino sa `min unang nakakilala sa SB19. Kasi sa pagkakaalam ko talaga, ako. Talagang mas nalunod lang siya dahil magkaiba kami ng schedule and priorities. Si Layzelle `yong tipong kapag may nagustuhan talaga siya, talagang susubaybayan niya lahat. Ako naman, kontento nang nakikita, nakakanood at nagla-like sa photos and videos. Pero talagang karamihan sa gusto namin, pareho. Kaya rin siguro kami nagkasundo. Well, except sa mas masipag siya sa `kin at lagi akong late.

Nakakatuwa kasi naa-achieve namin isa-isa `yong mga bagay na pinapangarap namin noon. Sa iba siguro, maliit na bagay lang `tong concert. Pero para sa `ming fangirls na nagsimula talaga sa pinakamalayong seats sa concerts, achievement na `to. From sharing sa isang bottled mineral water, nag-aagawan na kami sa pagbabayad ng bills. May kaniya-kaniyang drivers at sasakyan na rin kami. Nakakatuwa `yong feeling kahit pa pinag-iipunan pa rin namin lahat hanggang ngayon.

Isang bagay lang siguro`yong hindi nagbabago, masaya kami parati kapag natatapos. Hindi mahinto `yong kwentuhan tungkol sa napanood, tapos paulit-ulit pinakikinggan `yong songs at pinanonood `yung videos at tinitingnan ang pictures na nakuha namin. Then after that, saka namin panonoorin `yong fancam videos sa internet. <3

© Maxine Lat

If you’re an OPM Fan like me, I suggest na one time, panoorin mo ang SB19 nang live. Don’t use your phone to take pictures and videos, panoorin mo lang sila, pakinggan at namnamin mo kung paano sila kumanta at mag-perform. Siguradong pag-uwi mo, pakikinggan mo lahat ng songs nila, at hindi ka na makaka-move on pa. <3

© Maxine Lat
© Maxine Lat
© Maxine Lat

I can’t wait to see you guys again! Thanks a lot sa experience, walang katulad. <3

Thank you for reading my blog, everyone <3

#maxinejiji #SB19 #StellAjero #WYAT #WYATKickOffConcert #WYATTourManila #WYATSB19 #WhereYouAtSB19 #WhereYouAt #WYATTour #Mahalima #SB19_Stell #maxinelat

© Maxine Lat